Presyo ng kamatis, bumaba sa ilang pamilihan sa NCR

Presyo ng kamatis, bumaba sa ilang pamilihan sa NCR

BUMABA ang presyo ng kamatis sa ilang pampublikong pamilihan sa Metro Manila ilang araw matapos ang mga nagdaang bagyo at sunud-sunod na pag-ulan sa bansa.

Naglalaro sa P100-180 ang kada kilo ng kamatis sa Mega Q Mart.

Kamakailan ay pumalo sa mahigit P200 kada kilo ang presyo ng kamatis sa ilang pamilihan bunsod ng nagdaang bagyo.

Ayon sa mga tindera, sa ngayon ay bahagyang bumaba na ang presyo dahil sa gumagandang panahon na nagdulot ng pagkakaroon ng magandang supply ng kamatis sa bansa.

Anila, ang pagbabago ng presyo ay nakabatay rin sa ating mga local farmer.

“Yung iba kasi bine-base nila sa bagyo or binabase nila na baka nahihirapan ‘yung local farmers natin. May time talaga na mataas ‘yung presyo, may time din talaga na bumababa,” ayon kay Christian Abraham.

“Siguro pag bumaba, maraming dumating tapos pagsingit ‘yun ‘yung mahal kapag konti lang ‘yung dumating galing sa mga farmers,” ayon kay Lanie Villagonzalo.

Batay sa pinakahuling bantay-presyo ng Department of Agriculture (DA), naglalaro sa P140–P200 ang presyo ng kamatis sa mga pamilihan.

Samantala, nananatiling mataas pa rin ang presyo ng ilang bilihin sa pamilihan tulad ng highland vegetables at meat products.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble