SA abiso ng kumpanyang Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, siyamnapung sentimos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.
Oil price rollback:
(Effective Tuesday, March 4, 2025)
Gasoline – P0.90/l (arrow down)
Diesel – P0.80/l (arrow down)
Kerosene – P1.40/l (arrow down)
Walumpung sentimos naman sa diesel habang piso at apatnapung sentimos ang tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene.
May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kumpanya ng langis.
Epektibo ang naturang price adjustment bukas ng alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-osto uno ng umaga.