Presyo ng produktong petrolyo, bahagyang bababa simula ngayong Martes

Presyo ng produktong petrolyo, bahagyang bababa simula ngayong Martes

MATAPOS ang tatlong sunod na linggong taas-presyo sa produktong petrolyo, may katiting naman na bawas-presyo na ipatutupad ang mga kompanya ng langis simula ngayong, Martes, Enero 28.

Sa anunsiyo ng Shell Pilipinas, Seaoil, at Caltex, mababawasan ng 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang 20 sentimos ang tapyas sa diesel at 50 sentimos sa kada litro ng kerosene.

May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang naturang oil price adjustment alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-osto uno ng umaga.

Sa ngayon, ito ang kauna-unahang rollback sa presyo ng petrolyo ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble