Presyo ng produktong petrolyo matatapyas simula ngayong araw

Presyo ng produktong petrolyo matatapyas simula ngayong araw

IPATUTUPAD na ngayong araw, Marso 4, 2025, ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Sa abiso ng kompanyang Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, 90 sentimos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

80 sentimos naman sa diesel habang P1.40 ang tapyas sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.

Ang naturang price adjustment ay nag-umpisa na alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na mamayang 8:01 AM.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble