Presyo ng produktong petrolyo muling mababawasan

Presyo ng produktong petrolyo muling mababawasan

MULING magpapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes, Marso 18.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, mababawasan ng 20 sentimos ang kada litro ng diesel, habang 40 sentimos naman ang ibababa ng presyo ng kerosene.

Wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina.
May kaparehong bawas-presyo naman sa diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang rollback simula alas-sais ng umaga sa Martes, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago sa presyo mula alas-otso a-uno ng umaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble