MAY napipintong pagbaba ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay base sa 4-day monitoring ng Department of Energy sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa oil industry, posibleng bababa mula P0.40 hanggang P0.60 ang kada litro ng diesel.
Habang mula P1.30 hanggang P1.50 sa kada litro ng gasolina.
Posible namang walang price adjustment sa produktong kerosene.