NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng DATAGRO sa Malakanyang.
Tinalakay sa naturang meeting ang patungkol sa pagsulong sa food security, sugar independence, at energy transition.
Pinag-usapan din ang potensyal na pagtaas ng kita ng mga magsasaka at ani ng asukal mula 61 hanggang 80 tonelada kada ektarya.
Sa pamamagitan ito ng pagpapatupad ng mga solusyon ng DATAGRO bilang positibong resulta para sa sektor ng agrikultura at ekonomiya ng bansa.
Samantala, inihayag ni PBBM na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang administrasyon sa mga pribadong kumpanya upang marinig ang kanilang mga suhestiyon pagdating sa usaping agrikultura.
Si Pangulong Marcos Jr., na siya ring kalihim ng Department of Agriculture, ay in-explore ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas kasama ang mga pangunahing kinatawan mula sa DATAGRO, isang nangungunang kumpanya sa Brazil na dalubhasa sa science-based tropical agriculture development.