NANANATILING mataas ang presyo ng sibuyas sa Metro Manila kahit pa bumababa na ang farmgate prices at dumating na ang mga inangkat.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mahigit P100 pa rin ang presyo nito na sana ay nasa P80-P90 na ito bawat kilo.
Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), P90-P150 ang presyo ng pulang sibuyas habang P80-P130 ang puting sibuyas.
Sa ibang lugar gaya ng Nueva Ecija ay nasa P55-P60 bawat kilo ang farmgate price ng mga ito.