TUTOL sa Charter change (Cha-cha) ang mayorya sa Senado.
Ito ang naging sagot ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos sabihin ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na walang pakialam ang Pangulo ng Pilipinas sa pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ani Zubiri, mahirap isulong ang Cha-cha kung walang suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Posibleng hindi rin aniya aabot sa 18 senador ang boboto rito.
Matatandaan na naipasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Cha-cha sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con).
Paliwanag ni Zubiri, kailangan ng pondo ang pag-amyenda ng naturang batas kaya mas mainam na lang na magpasa ng batas kung nais ng mga mambabatas na mas makatulong sa mga Pilipino.
