“MAGTATAKA ka in 5 LGUs alam niyo ba na isang kompanya lang ang may hawak nito (NCAP). It’s only one company.”
Ito ang pagbubulgar ni Quezon City Rep. Marvin Rillo sa isyu ngayon ng pagpatutupad ng no contact apprehension policy (NCAP).
Gumagana ngayon sa 5 siyudad sa Metro Manila ang nasabing kautusan kabilang ang Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, at Parañaque.
Ayon kay Rillo, napakalaki ng kitaan ng iisang kompanyang may hawak nito.
“At ang hatian ay 70/30 ang balita ko. 70% goes to the company, 30% goes to the LGU. So ano ba to? Gusto ba nating pagandahin, disiplinahin ang mga driver o gusto nating pagkakitaan ang mamamayang Pilipino na naghihirap ngayon para lang sa personal nilang gains di ba?’ ayon kay Rillo.
Inihambing naman ni Rillo ang NCAP sa Amerika gamit ang facial recognition cameras.
Kumpara sa Pilipinas na kahit CCTV cameras ay hindi malinaw.
“‘Yung NCAP nila sa Amerika, isipin niyo to ha? Doon may facial recognition. Kapag ikaw ay nag-violate at sila more on speeding sila Sir yun lang, unlike dito lahat. Doon more on speeding ta’s may facial recognition. Para pag hinuli ka. Doon applicable po ‘yun dahil lahat ng tao may data base. Eh dito nga wala pa tayong facial recognition. Very obsolete yung ating NCAP dito sa Pilipinas,” ayon pa kay Rillo.
Banta naman ni Rillo na papangalanan nito sa mga susunod na araw ang kompanyang kumikita sa NCAP.
Lalo na’t kailangang repasuhin ang progama bago uli ipatupad.
“Pinag-aaralan nating mabuti at gusto ko bago ko isiwalat lahat ay maayos po ang ating mga datas ano. In due time papangalanan po natin itong kompanya na’to. Na kung bakit marami po tayong katanungan na kung bakit sa limang siyudad ay siya ang may hawak. At bakit ang hatian ay balita ko 70/30 at lamang sila,” ani Rillo.
Naghain naman si Rillo ng House Resolution para paimbestigahan sa Kamara ang isyu.