NAKUHA ng kantang ‘Priceless’, isang colab song ng Maroon 5 at BLACKPINK superstar na si Lisa Monoban ang No. 87 spot sa Billboard Philippines Hot 100.
Ang kantang ito’y lead single ng upcoming studio album ng Maroon 5 na ilalabas ngayong summer.
Nag-debut din ang ‘Priceless’ song sa no. 31 spot sa Global Top 50 ng Spotify at nakakuha ng mahigit 5 million views sa YouTube sa loob lamang ng 24 oras mula nang i-release ito.