Prime Minister ng Thailand, ipinagtanggol ang pagkaantala sa pag-aalis ng night life ban

Prime Minister ng Thailand, ipinagtanggol ang pagkaantala sa pag-aalis ng night life ban

IPINAGTANGGOL ng Prime Minister ng Thailand ang pagkaantala sa pag-aalis sa night life ban sa bansa mula Disyembe 1 hanggang Enero 15.

Ito’y matapos madismaya ang marami sa hospitality at entertainment industries dahil sa pag-aalala kung papaano muli bubuhayin ang kanilang mga negosyo.

Ayon kay Prime Minister Prayut, hindi pa handa ang public health safety measures upang makapagbukas muli nang ligtas ang mga negosyo sa Disyembre 1.

Nagbabala naman ang Prime Minister sa entertainment businesses na huwag munang magbukas hanggat hindi pinahihintulutan dahil maaari silang maharap sa legal na aksyon.

Matatandaan na maraming mga pub at bar sa bansa na lumabag sa patakaran o night life ban ang ngayon ay nahihirapan nang makabalik sa operasyon nito.

SMNI NEWS