UNA nang naaresto ang isa sa mga co-accused ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Paulene Canada ngunit agad rin itong umani ng kontrobersiya matapos na sinadyang hindi sabihin ng Police Regional Office (PRO) 11 ang pagkakaaresto rito.
Hindi rin binigyan ng karapatan sa kaniyang abogado habang inaaresto ito ng mga awtoridad gayong hindi naman nagkulang ang KOJC legal counsel na makipag-ugnayan sa pulisya.
Tila sinadya rin umano na ilihis ang paghuli kay Canada.
Dahil dito, hindi naiwasang makuwestiyon ng legal counsel ng KOJC ang kredibilidad ng bagong talagang regional director ng PRO 11 na si PBGen. Nick Torre.
“There is really a violation, because General Torre is a general. I was told that he is highly intelligent general, I was able to talk to him, he seems to be intelligent also, I must give him credit to him, however it is not a compliment to him knowing the fact that Ma’am Paulene was arrested at around past 1 pm, she was read the Miranda Rights, ‘yung nagbabasa ang Miranda Rights nanginginig pa ‘yung babae na pulis, sinabihan ni Maam Paulene na pls I want to talk to my lawyer pwede ba matawagan si Atty. Torreon para nandito naman siya, e ayaw hindi siya pinansin,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.
Iginiit pa ng KOJC legal counsel na hindi sila nagkulang sa pagtatanong at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ngunit tila itinatago ang naging paghuli sa akusado.
“Before I went to Camp Catitipan, tumawag ako kay General Torre, ‘di lang tumawag, nag-text pa’ko, dalawang beses, first pero hindi niya ako pinapansin, nag-text ako, General mayroon kasing video na kumakalat ngayon na nadakip niyo talaga si Ma’am Paulene Canada and I need to see her ‘di talaga ako pinansin kaya medyo noong nasabihan ako na nung presscon na hindi daw ako nag-try ng contact sa kanya at saka ‘di daw ko tumawag sa kanya, sinabi ko talaga it was a lie,” giit ni Atty. Torreon.
“Kilalang kilala ko na ‘yan si Ma’am Paulene, matagal na po, worried ako talaga, baka i-torture o baka nakidnap na bakit ayaw nilang angkinin,” dagdag nito.
Ilang heneral ng PNP, pinipilit umano na gawing state witness ang nakakakulong na si Paulene Canada─AUNA nang naaresto ang isa sa mga co-accused ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Paulene Canada ngunit agad rin itong umani ng kontrobersiya matapos na sinadyang hindi sabihin ng Police Regional Office (PRO) 11 ang pagkakaaresto rito.tty. Torreon
Samantala, nakarating sa kaalaman ng KOJC legal counsel na may ilang heneral umano na nakikipag-usap sa nakakulong ngayon na si Paulene Canada na maging state witness ito para isiwalat at idiin si Pastor Apollo sa mga kasong ipinupukol laban dito.
“Kaya siya (Paulene Canada) sinabihan niya ‘yung heneral na “sir maski ano pong maisabi niyo sa’kin hindi po ako tatalikod sa ministry kasi ako lang minsan eh matagal na akong wala sa ministry pero hindi naman ako lumabas, pabalik na sana ako, pero hindi ko po gagawin ‘yun na mag-testify ako against the Kingdom leaders,” aniya pa.
Ikinababahala naman ng KOJC na mabahiran ng iregularidad ang proseso ng batas laban sa mga akusado partikular na sa nananatiling inosente na si Pastor Apollo C. Quiboloy