Problema sa kuryente sa bansa, ‘di magandang isisi sa China—Dating Sen. Tatad

Problema sa kuryente sa bansa, ‘di magandang isisi sa China—Dating Sen. Tatad

HINDI maganda ayon kay Francisco Tatad isang dating senador na isisi ang kasalanan sa China sa problema sa kuryente sa bansa.

Ito’y matapos nabahala ang ilang senador sa 40% ownership ng State Grid Corporation of China (SGCC) sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa isang historian hindi ipo-politicize ng SGCC ang kanilang mga operasyon dahil masisira lamang ang kanilang reputasyon sa buong mundo.

Nagbigay payo ang isang dating senador at dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. sa ilang senador na nagpahayag ng pagkabahala sa 40% ownership ng SGCC sa NGCP.

Para kay Francisco Tatad, hindi tama na isisi sa China ang problema sa kuryente sa bansa.

 “Hindi maganda na China ang lahat ang may kasalanan. Maybe hingin natin sa mga butihing senador to re-think their statements. Naniniwala ba sila sa kanilang sinasabi?” ayon kay Francisco Tatad, Dating Senador.

State Grid Corp. of China, ‘very proffesional’ sa kanilang mga operasyon—Historian

Ibinahagi naman ng isang historian na ‘very professional’ ang SGCC kung kaya mayroon itong halos $90-B na investment sa power generation sector sa halos 90 bansa.

Ayon kay Herman Laurel, wala pang nababalitaan na kontrobersiya sa kanilang mga investments.

 “Ito pong State Grid of China has invested almost $100-B all over the world. Almost 90 countries have investments from the National Grid Corporation. They will not politicize their operations because that would damage their reputation all over the world. And so far wala naman tayong nababalitaan na mga kontrobersiya sa mga investments nila,” ayon kay Herman Laurel, Historian.

Problema sa kuryente, mga oligarko ang may kasalanan—Sasot

Para naman kay Foreign Policy Expert Sass Rogando Sasot, kaya nagkapro-problema sa kuryente sa bansa ay dahil walang ‘proper competition’.

Dagdag nito na ang problema ng kuryente ay dulot ng mga oligarko sa bansa.

“Let us not fool ourselves. The problem of our electricity in our country is brought by our elite. Now they are looking for an external enemy so that they would not be blame.”

“Alam naman natin kung bakit nagkaleche-leche ang kuryente dito. Walang proper competition. So itong mga oligarchs na ito, they are looking for an external enemy para mapagtakpan ang kanilang mga ginagawa,” ayon kay Foreign Policy Expert Sass Rogando Sasot.

Follow SMNI NEWS in Twitter