Proclamation No. 90 na nagdedeklara ng regular holidays at special non working days sa 2023, inilabas na ni PBBM

Proclamation No. 90 na nagdedeklara ng regular holidays at special non working days sa 2023, inilabas na ni PBBM

INILABAS na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation No. 90 na nagdedeklara ng regular holidays at special non working days para sa taong 2023.

Inamyendahan nito ang Proclamation No. 42 na inaprubahan ni Pangulong Marcos noong Agosto.

Sa ilalim ng Proclamation No. 90, 10 araw ang regular holiday kung saan 2 lang ang natapat ng weekend.

Habang 8 petsa ang special non-working holiday at 3 ang natapat sa weekend.

Idineklarang regular holidays ang mga sumusunod:

Jan. 1 – New Year’s Day

April 10 – Araw ng Kagitingan

April 6 – Maundy Thursday

April 7 – Good Friday

May 1 – Labor Day

June 12 – Independence Day

Aug. 28 – National Heroes Day

Nov. 27 – Bonifacio Day

Dec. 25 – Christmas Day

Dec. 30 – Rizal Day

Habang Special (Non-Working Days) ang mga sumusunod:

Feb. 25 – People Power Revolution Anniversary

April 8 – Black Saturday

Aug. 21 – Ninoy Aquino Day

Nov. 1 – All Saints’ Day

Dec. 8 – Feast of the Immaculate Conception of Mary

Dec. 31 – Last Day of the Year

Additional Special (Non-Working) Days – Jan. 2 at Nov. 2

Follow SMNI NEWS in Twitter