PORMAL nang inilunsad ng Department of Justice (DOJ) ang Barangay IACAT 2.0 na naglalayong tuldukan o tapusin na ang ‘modern day slavery’.
Ayon sa DOJ, ang Barangay IACAT 2.0 ay tatlong araw na aktibidad na idaraos simula ngayong araw hanggang sa Agosto 24 sa Antipolo City.
Layunin nito na palakasin at bigyang kapangyarihan at isali ang mga komunidad sa paglabag sa human trafficking.
Tuturuan ng DOJ ang local officials at mga residente kung paano masugpo o tumugon sa nagaganap na human trafficking sa kanilang komunidad.
Sa loob ng maraming taon, ang Pilipinas ay kinikilala sa buong mundo sa walang humpay na paglaban sa human traffickers and online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) dahilan kaya nananatili ang ating bansa sa Tier 1 status sa loob ng sunud-sunod na 9 na taon na nakatala sa Trafficking-in-Persons ng US State Department.