Proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon PL ipinagpaliban dahil sa DQ cases

Proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon PL ipinagpaliban dahil sa DQ cases

TAPOS na ngang maiproklama ngayong araw ang mga panalong party-list groups mula sa katatapos lang na eleksiyon noong Mayo 12.

Sa kabuuan, 54 ang nanalong party-list, pero 52 lamang ang naiproklama dahil suspendido ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-list at Bagong Henerasyon Party-list dahil sa kanilang mga nakabinbing disqualification cases sa Commission on Elections (COMELEC) Division.

Ang Duterte Youth ang pumangalawa sa may pinakamalaking nakuhang boto at nakapag-secure ng tatlong puwesto, habang ang Bagong Henerasyon Party-list ay nakakuha naman ng isang upuan.

Ngunit dahil sa kanilang disqualification cases, ipinagpaliban muna ang kanilang proklamasyon.

Batay sa resolusyon, seryoso ang mga alegasyon laban sa kanila.

Ayon kay Atty. George Garcia, Chairperson ng COMELEC, agad na pinadalhan ng kopya ng National Board of Canvassers (NBOC) Resolution ang dalawang party-list upang ipabatid na hindi sila kasama sa proklamasyon ngayong hapon.

Samantala, batay sa proklamasyon kanina, ang Akbayan Party-list, Duterte Youth, at Tingog ay nakakuha ng tig-tatlong puwesto sa Kongreso.

Habang ang 4PS, ACT-CIS, at Ako Bicol Party-list ay may tig-dalawang upuan.

Tig-iisang puwesto naman ang mga party-list mula sa Top 7 pababa, kabilang ang Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP).

Kasama rin sa mga nakapasok ang Kabataan Party-list at ACT Teachers, na sinasabing mga legal front ng CPP-NPA.

Napag-alaman din na ang disqualification case laban sa Duterte Youth ay inihain ng Kabataan Party-list.

Sa isang pahayag, mariing kinontra ng Duterte Youth ang mga akusasyon at ipinahayag ang plano nilang magpasaklolo sa Korte Suprema.

Ayon sa grupo, kung totoong seryoso ang alegasyon laban sa kanila, bakit sila naiproklama noong 2019 at muling naihalal noong 2022?

Giit pa nila, hindi totoo ang paratang na hindi sila rehistrado. Anila, imposibleng makasali sila sa eleksiyon kung hindi sila rehistrado.

Pinabulaanan din nila ang isyu ng vote buying at iginiit na ang pondo ng party-list ay nakalaan para sa mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble