KAUNA-UNAHANG Provincial Identification Card o Provincial ID sa bansa malapit nang ilunsad sa probinsiya ng Camarines Sur.
Ang Provincial Identification Card ay isa sa makabagong programa at innovation ng La Fuerte program dito sa probinsiya ng Camarines Sur.
Ipinagmamalaking inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Camarines Sur sa pangunguna ni Gov. Migz Villafuerte ang nalalapit na paglulunsad ng Provincial ID na may cash card o visa feature kalakip na rin ang QR code upang mas mapadali ang pagbibigay serbisyo at paghahahatid ng tulong gaya ng scholarship grants, medical, burial, livelihood at iba pang asistensiya mapa-nasyonal o lokal.
Sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis at mapapadali ang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayang nangangailangan.
Mababatid na karamihan sa mga kababayang nasasakupan ng probinsiya ay walang mga government issued ID kung kaya’t hirap ang mga ito sa pagtransact sa gobyerno lalo na sa usaping pang hanap-buhay o mga pribadong transaksiyon.
Ito ngayon ang pinakabagong programa ng province of Camarines Sur para sa publiko upang ang lahat ay mabigyan ng ayuda lalo na ang mga mahihirap nitong mga kababayan na nasa malalayong lugar ng probinsiya.
Ayon pa sa local government of Camarines Sur ang pagkakaroon ng Provincial ID ay ang kauna-unahang programa dito sa bansa na layong ma-promote ang mga pinansiyal na pangangailangan ng mga tao lalo na sa mga malalayong lugar.
(BASAHIN: Camarines Sur officials, umapela ng tulong kay Duterte dahil sa lubhang nasalanta ng bagyo)