PRRD, hindi pa handang tanggalin ang face mask regulation sa bansa

PRRD, hindi pa handang tanggalin ang face mask regulation sa bansa

HINDI pa handang bawiin ang mandatoryong paggamit ng mga face mask lalo na sa mga pampublikong lugar na walang sapat na bentilasyon.

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People Address na umiiral pa rin ang COVID-19 pandemic at maaari pa rin itong manatili nang matagal sa kalagitnaan ng mga ulat ng bagong variant na natukoy sa ibang bansa na maaaring umabot sa bansa.

Sinabi rin nito sa Kongreso na huwag galawin ang probisyon ng Bayanihan Law dahil para ito sa mga nahaharap na posibleng COVID-19 surges.

 

PRRD, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang NFT-ELCAC

Umaasa si Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang Talk to the People Address.

Inudyok din ni Dutrete ang mga komunista na sumuko na sa awtoridad at kapalit nito ay nangako itong mabibigyan ng trabaho, at matitirhan ang mga susukong rebelde.

Hinimok din ni Duterte ang lahat na huwag sumali sa mga rebelde na kasabwat ang mga miyembro ng mga political party.

Dagdag pa ni Duterte, mayroon pang isang political party na pinamumunuan ng isang kandidato na tumatakbo sa pagkapresidente ang napasok na ng mga rebelde ngunit hindi naman nito pinangalanan.

 

Follow SMNI News on Twitter