PINUNA ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at Federation of Free Farmers (FFF) ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa kanilang August Inflation Report.
Ayon kay SINAG Chairperson Rosendo So, ang pagbabawas sa rice inflation ay hindi ibig sabihin na bababa ang presyo ng bigas.
Sa katunayan pa nga aniya, patuloy na nararamdaman ng mga Pilipino ang mataas na presyo ng bilihin lalong-lalo na sa bigas.
Sa ulat, nasa 14.7 percent lang ang inflation sa bigas nitong Agosto.
Mas mababa ito kumpara sa 20.9 percent noong Hulyo.
Ang inflation ay ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.