NAGBABALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga pekeng balita na namimigay sila ng ayuda sa senior citizens na may National ID.
Sa paliwanag ng PSA, hindi sila mismo ang namimigay ng tulong ngunit maaaring ang National ID ay kinakailangan ng seniors kung kukuha sila ng ayuda mula sa ibang ahensiya.
Ang National ID ayon sa ahensiya ay isang valid ID at nagpapatunay ng pagkakakilanlan kung kaya’t requirement ito minsan sa pagkuha ng assistance.
Hinikayat ngayon ng PSA ang publiko na maniwala lang sa mga impormasyon mula sa kanilang official social media platforms.