PSC, umaasang makapagsagawa ng bubble training sa mga pasilidad na ginawang quarantine facility

UMAASA ang Philippine Sports Commission na muli na nilang magamit bilang training camps ang mga pasilidad na ginamit para sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Gagamitin ang mga pasilidad para sa kanilang bubble training camps bilang paghahanda ng team Philippines para sa Southeast Asian Games sa Vietnam at Asian Games sa China.

Ayon sa PSC, posibleng sa Enero 10, na sila pwedeng makabalik sa training sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports.

Maging ang Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum, Philsport Multi-purpose Arena sa Pasig at Rizal Memorial Grandstand.

Ayon sa PSC, halos wala nang nakaquarantine kaya posible na nila itong magamit muli.

SMNI NEWS