Publiko, hinikayat na makilahok sa 4th Quarter Nationwide Earthquake Drill ngayong araw

Publiko, hinikayat na makilahok sa 4th Quarter Nationwide Earthquake Drill ngayong araw

MAINAM na makilahok ang publiko sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, Nobyembre 14, 2024 ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Partikular na gagawin ang aktibidad mamayang alas dos ng hapon at sentro nito ang Camiguin Islands.

Maliban sa earthquake drill ay may simulation exercise rin sa pagtama ng tsunami, at pagsabog ng bulkan.

Pahayag ng OCD, sa pamamagitan ng pagsali sa naturang aktibidad, maiiwasan na ang pagkawala ng maraming buhay o mga nasusugatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble