NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko laban sa mga panloloko umano ng ilang mga drayber ng pribadong sasakyan na nagpapanggap bilang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) providers.
Ito ay kasunod ng naging viral sa social media na drayber ng isang SUV na puwersahang kumukuha ng pasahero at naniningil ng labis na pasahe.
Binigyan-diin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na dapat agad matigil ang nasabing modus na nakakaapekto aniya sa negosyo ng legitimate ride-hailing apps maging sa mga commuter. nagpapanggap
Bagamat nauunawaan ni Guadiz ang pagnanais ng ilang may-ari ng sasakyan na magkaroon ng dagdag-kita, ang pinakamabuting paraan aniya kung gusto pumasada ay kumuha na lamang ng prangkisa.