SINUHULAN ng South Korean na si Na Ik-yon (Na Ikhyeon) ang umano’y mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) upang makatakas siya mula sa kustodiya ng ahensiya.
Inamin ito mismo ng Koreano sa isang pagdinig sa Senado kung saan sinabi niya na P6M ang kaniyang ibinigay sa dalawang opisyal mula Immigration at PNP.
Kinilala niyang Paul ang opisyal mula sa Immigration habang si Raul naman ang pulis.
Marso 4 nang tumakas mula sa kustodiya ng Immigration ang Koreanong si Na.
Bagamat walang kilalang Paul, dalawang kawani mula sa Immigration na ang tinanggal sa kanilang serbisyo.