Libu-libong sundalo mula sa Philippine Army, ide-deploy para sa darating na 2025 midterm election

Libu-libong sundalo mula sa Philippine Army, ide-deploy para sa darating na 2025 midterm election

PARA masigurong ligtas at payapa ang darating na halalan ngayong Mayo, libu-libong sundalo mula sa Philippine Army ang ipakakalat sa buong Pilipinas.

“Our role in the Army is prepare the troops, prepare our units to be able to support the PNP and COMELEC in these endeavor,” ayon kay LtGen. Roy Galido Commanding General, Philippine Army.

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine Army katuwang ang Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (COMELEC) at ibang security forces para sa papalapit na 2025 midterm elections.

Nito lang nakaraang buwan, inanunsiyo ng COMELEC ang nasa mahigit 400 lugar sa buong bansa na kabilang sa areas of concern para sa darating na halalan sa buwan ng Mayo.

Base sa datos ng COMELEC, 32 lugar ang nasa ilalim ng red category. Ito ang mga lugar na may seryosong banta sa seguridad at may kasaysayan ng election related incidents, kabilang dito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang tig-dalawa naman sa Cagayan Valley at Bicol Region.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Fort Bonifacio sa Taguig City araw ng Lunes, sinabi ng commanding general ng Philippine Army na si LtGen. Roy Galido katuwang ang PNP, patuloy ang kanilang ginagawang pagtukoy sa mga kritikal na lugar para agad na mabigyan ng solusyon.

“Our fleet commanders specially the commanders is working with the Philippine National Police in identifying critical areas which has been identified by COMELEC,” saad ni LtGen. Roy Galido.

Ayon sa opisyal, ang kanilang ginagawang hakbang ay naglalayong maibigay sa mga Pilipino ang isang payapa at maayos na halalan kaya naman lahat aniya ng mga personahe ng hukbo ay ide-deploy nila sa araw ng halalan.

“All the armies, the 115,000 because we want this democratic exercise to be successful, we might not be the frontline, we might be at the back …. the whole army is committed this election be successful,” ani Galido.

Follow SMNI NEWS on Twitter