PORMAL nang sinibak sa serbisyo ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo.
Si Mayo ay ang tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na nahuli sa operasyon sa Maynila noong nakaraang taon, kung saan nakumpiska ang 990 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6.7 bilyong piso.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, kinatigan ni Azurin ang naging rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS).
Lumabas sa imbestigasyon ng IAS na guilty si Mayo ng grave misconduct at conduct unbecoming an officer.
Hindi na rin makukuha ni Mayo ang kaniyang mga benepisyo sa PNP dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.