Pulong kaugnay sa development sa Cotabato Airport, pinangunahan ng DOTr, CAAP, BARMM

Pulong kaugnay sa development sa Cotabato Airport, pinangunahan ng DOTr, CAAP, BARMM

PINANGUNAHAN ng Department of Transportation (DOTr), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) ang pulong kaugnay sa development sa Cotabato Airport.

Nakipagpulong sina Transportation Sec. Jaime Bautista, CAAP Director Gen. Antonio Tamayo kina Bangsamoro Minister of Transportation and Communications Paisalin Tago at Bangsamoro Airport Authority Dir. Roslaine Macao – Maniri.

Ito’y para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang development project para sa Cotabato Airport na bahagi ng BARMM.

Kabilang din sa napag-usapan sa kanilang pulong ay ang nagpapatuloy na pagpapahusay sa mga pasilidad at ang pagpapalawak sa runway ng Cotabato Airport upang masiguro ang tuluy-tuloy na biyahe ng mga pasahero.

Inihayag din ng CAAP na magpapadala rin sila ng mga engineer on-site pati ang DOTr upang tingnan kung natutupad ang plano sa ginagawang construction activities.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter