Pulse Asia, paninindigan ang resulta ng kanilang latest survey hinggil sa Charter Change

Pulse Asia, paninindigan ang resulta ng kanilang latest survey hinggil sa Charter Change

PANININDIGAN ng Pulse Asia ang naging resulta ng kanilang latest survey kung saan ipinapakita na 88% ng mga Pilipino ay hindi sang-ayon na babaguhin ang Konstitusyon ng bansa.

Kahit pa anila batay sa ulat ay pinagdududahan ng ilang mga kongresista ang kanilang pamamaraan sa pagkuha ng mga sagot para sa survey.

Lumabas ang kanilang survey ilang araw nang maaprubahan sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 sa ikatlo at huling pagbasa.

Ayon sa Pulse Asia, para makakuha ng sagot para sa survey, itinanong muna anila sa mga respondent kung pabor ba ito na magkaroon ng Charter Change bago itinanong ang partikular na mga probisyon na nais baguhin sa Konstitusyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble