KINUWESTIYON sa Senado ang pumping stations sa Metro Manila.
Dinisenyo ang mga pumping station para makatulong kontra sa baha sa Metro Manila pero ito ay kinuwestiyon ni Senator Cynthia Villar sa pagding ng Senate Committee on Public Works araw ng Miyerkules.
Binanggit ng senadora na ang pumping station sa Las Piñas-Parañaque na aniya ay nagdulot ng matinding pagbaha sa mga nasabing lugar nang masira.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Romando Artes, may 71 pumping station ang kanilang inooperate at kanilang napatunayang epektibo.
Pero paliwanag niya na normal na nagloloko ang pumping station kapag napasukan at napuno na ito ng basura.
“Unang-una po yung efficiency so far as pumping stations are concerned ay proven naman po… itigil ang operation,” saad ni Atty. Romando Artes, Acting Chairman, MMDA.
Kaugnay nito ay tinanong naman ni Sen. Bong Revilla, Chairperson ng nasabiong komite, kung ano ang mangyayari sa Metro Manila sakaling tanggalin ang mga pumping station.
“What is the solution or other solution kung halimbawa tatanggalin natin yang pumping station… pump the water out,” ayon kay Sen. Bong Revilla, Chair, Committee Public Works.
Ipinunto ni Artes na bahagi ng pumping stations ang floodgates na syang pumipigil sa pagpasok ng tubig-dagat sa Metro manila.
Tinatanggal naman ng mga pumping station ang tubig-baha sa mga mabababang lugar sa Metro Manila.
“Kaya nga po tayo may flood gates para pigilan ang tubig … pump ng tubig from Manila palabas,” ani Artes.