Alert level Bravo, itinaas sa Metro Manila

Alert level Bravo, itinaas sa Metro Manila

ITINAAS na sa alert level Bravo o moderate risk ang National Capital Region (NCR) dahil sa Bagyong Betty.

Ito’y matapos ang pre-disaster risk assessment meeting ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) sa bagyo.

Nakaantabay na rin ang lahat ng rescue personnel at equipment ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gaya ng fiberglass boats, aluminum boats, rubber boats, life vest, iba pang equipment, rescue vehicles, at military trucks kung sakaling kailanganin ng tulong ng mga lokal na pamahalaan ng NCR.

Patuloy rin ang ginagawang monitoring at koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa paghahanda sa bagyo sa pangunguna ni MMDA acting Chairman at Concurrent MMDRRMC chairperson Atty. Don Artes.

Maliban sa galaw ng bagyo, kabilang ding minomonitor ang epekto ng habagat na posibleng magdudulot ng pag-uulan at baha sa NCR.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter