Puwersa ng CTG sa Eastern Mindanao, humihina na

Puwersa ng CTG sa Eastern Mindanao, humihina na

HUMIHINA na ang puwersa ng communist terrorist group (CTG) na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Eastern Mindanao.

Ito ang kinumpirma ni EASTMINCOM Commander Lt. Gen. Greg Almerol sa isang panayam, aniya walang saysay ang rebolusyon ng makakaliwang grupo sa Eastern Mindanao dahil wala na aniya silang influenced sa barangay simula pa nitong 2022.

Kaya naman sinabi ng opisyal na madali na silang mahuhuli sa patuloy na isinasagawang focused military operations sa mga malalayong barangay.

Kaugnay rito, patuloy ang panawagan ng EASTMINCOM sa mga natitirang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kanilang lugar na magbalik-loob na sa gobyerno at mamuhay nang mapayapa.

Pangako ng opisyal sa mga nais na magbalik-loob na handa nitong tulungan na ma-access ang lahat ng programa ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Ang naturang pahayag ng opisyal ay kaugnay sa nangyaring pagsuko ng limang dating rebelde sa Bukidnon at ang pagkamatay ng isang NPA matapos ang engkuwentro sa Quezon nitong nakaraang linggo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter