INIHAYAG ng 3rd Infantry “Spearheaded” Division (3ID) ng Philippine Army (PA) na patuloy ang paghina ng puwersa ng guerilla front sa bahagi ng Western at Central Visayas.
Sa programang Laban Kasama ang Bayan, sinabi ni Lt.C. J-Jay Javines, Chief Division Public Affairs Office (DPAO) ng 3IB, unti-unti nang nabubuwag ang guerilla front sa kanilang nasasakupan.
Sa katunayan, sa siyam na guerilla front, anim dito ay nabuwag na ng militar at tatlo na lamang ang natitira.
Ipinagmalaki naman ng militar na maayos ang local peace engagement sa kanilang nasasakupan at suportado ito ng lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin din ni LtC. Javines ang kahalagahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan nagkaisa ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para labanan ang insurhensiya sa bansa.
Samantala, inilunsad kamakailan ng 3ID ang Panay Peace Builders Incorporated, kung saan ito ay isang grupo ng mga dating rebelde na layuning mabigyan ng sustainable programs ang mga dating rebelde.