LALONG lumakas ang Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division dahil sa pagdating ng walong bagong self-propelled 155mm Autonomous Truck Mounted Howitzer Systems (ATMOS 2000) sa 7th Field Artillery (steel rain) Battalion sa Camp Lucero, Brgy. Nasapian, Carmen, North Cotabato.
Personal na ininspeksyon ng division commander ang nasabing mga asset sa ground kung saan naka-display ang walong ATMOS.
Dahil sa mas pinalakas na kagamitang pandigma ay binigyan-diin ni MGen. Roy M. Galido, commander ng 6ID, na magbalik-loob na sa gobyerno ang mga kalaban ng estado nang sa gayon hindi na dumanak pa ang dugo at makamit ang hinahangad na kapayapaan.