HINIHIKAYAT ngayon ng Quezon City-LGUs ang mga maliliit na negosyante na lumahok sa gaganapin na QC Organic at Eco-Friendly ng lungsod.
At sumali sa Proudly Original Products of Quezon City (POP QC) sa paparating na POP QC Eco Market.
Tampok nito ang malusog na produkto ng TatakKyusi na pinili ng POP QC Eco Market na gaganapin sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Abril 19-22, 2024.
Kaya kung ikaw ay interesado, magrehistro lamang sa qc-sbcdpo.com/POPQC2024.