QC LGU, nagtatag ng Learning Recovery Trust Fund

QC LGU, nagtatag ng Learning Recovery Trust Fund

INAPRUBAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtatatag ng Learning Recovery Trust Fund para sa cash donations na parte ng whole-of-society approach.

Layon ng trust fund nito ang pagpatutupad ng learning recovery programs para sa mga pampublikong paaralan ng lungsod Quezon.

Punto ng alkalde na ang pandaigdigang krisis sa edukasyon na pinalala ng pandemya ng COVID-19 ay nagresulta ng significant setbacks sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sa datos ng World Bank, 90.9% ang poverty rate ng Pilipinas, kung saan 9 mula sa 10 bata edad 10 taong gulang ang hindi marunong magbasa at hirap na maintindihan ang binabasa.

Kaya naman, mahigpit nang nakikipagtulungan sa DepEd Schools Division Office ang LGU upang maipatupad ang mga konkretong plano at programa na tutugon sa mga pangangailangan ng bawat estudyante.

Ang pagtatatag aniya ng dedicated education trust fund ay magsusulong ng pagtutulungan at partnership sa pagitan ng lungsod at iba pang stakeholder sa edukasyon.

Hinihikayat ni Belmonte ang iba’t ibang stakeholders, negosyo at asosasyon na mamuhunan sa mga mag-aaral dahil sila ang kanilang magiging manggagawa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter