HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang AFP troops sa Bicol Region na aktibong bantayan ang mga hangganan ng bansa sa gitna ng geopolitical tension sa Asya.
Bilang huling parte ng kaniyang pagbisita sa Camarines Sur, kinumusta at nakipagpulong si Pangulong Marcos ang pamunuan at mga miyembro ng 9th Infantry Division Camp Elias Angeles sa Barangay San Jose, bayan ng Pili.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi pinabayaan ng militar ng Pilipinas ang bansa sa kabila ng mga kinakaharap na napakalaking hamon.
“I said during the command conference very quickly earlier, I see that the actions here, the violent instances of encounters et cetera, have slowly come down and looking at that, all I can say is that once again, I have always been a – I have always said that of all the sectors of society, it is only the military that has never let the Filipino down,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kaugnay dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga tropa ng pamahalaan ng naturang dibisyon na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa sa ngalan ng tungkulin at serbisyo para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Hinimok din ni Pangulong Marcos ang government troops na aktibong bantayan ang mga hangganan ng bansa mula sa panlabas na banta sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tension sa Asya.
Ang sitwasyon ng Asya, sabi ng Pangulo, ay nagiging mas kumplikado at nahaharap sa external threats ang bansa ngayon.
“And with the geographical location of the 9th ID, we can see that it is very close to some of the disputed areas kung saan pumapasok ang mga iba’t ibang barko. Kailangan din nating bantayan ‘yan. Kaya’t ito na naman ay isa pang panibagong mission ninyo,” ayon pa sa Pangulo.
PBBM, may mensahe sa kasundaluhan sa Bicol ukol sa lagay ng insurhensiya sa rehiyon
Sa domestic front, hiniling ng Punong Ehekutibo sa mga tauhan ng 9th ID na maging peacemakers sa ilalim ng whole-of-nation approach ng gobyerno.
Ito’y habang nagsasagawa ang pamahalaan ng bagong diskarte sa pagharap sa mga komunista at teroristang grupo na sinusubukan nitong sugpuin.
Ikinalugod ding banggitin ng Pangulo na ang sitwasyon ng insurhensiya sa Bicol region ay umunlad at tila nagkaroon ng katatagan.
“And that I think has become the reason why we have slowly succeeded in the so-called whole-of-society, whole-of-nation approach in terms of our dealings with these groups that originally would like to bring down the government by armed struggle,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Kaugnay dito, pinakinggan din ng Punong Ehekutibo ang mga ulat ng mga AFP commander at military officer hinggil sa security updates at mga nagawa ng Sandatahang Lakas sa Region V.