GINAWARAN ng Plaque of Recognition ang lungsod ng Quezon kung saan dalawang award ang iginawad sa ginanap na ika-35 anibersaryo ng Department of Health (DOH)-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) kamakailan.
Ang pagawad ng Plaque of Recognition ay dahil sa mahusay na pagpapatupad ng National AIDS/HIV/STI Prevention and Control Program upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na AIDS.
Binigyan din ng Plaque of Appreciation ang lungsod dahil sa suporta at ambag nito sa pagkamit sa iba-ibang layunin ng mga programang pangkalusugan tungo sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care.