QC Mayor Joy, isa sa mga panelist sa Migrant Workers and Healthcare sa Spain

QC Mayor Joy, isa sa mga panelist sa Migrant Workers and Healthcare sa Spain

ISA sa mga panelist ng Migrant Workers and Healthcare sa Spain si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa Facebook post ng Quezon City government, ipinaalam nito na pansamantalang aalis si Belmonte sa bansa.

Ito ay upang daluhan ang 3-day Migrant Workers and Healthcare Fast-Track Cities 2022 Conference simula ngayong araw ng Oktubre 11 hanggang 13 sa Sevilla, Spain.

Si Mayor Belmonte ay isa sa mga panelist ng naturang programa at recipient ng Circle of Excellence Award para sa lungsod ng Quezon.

Kaugnay nito, itinalaga naman ni Mayor Joy Belmonte sina Vice Mayor Gian Sotto at Councilor Alex Bernard Herrera bilang acting Mayor at Vice Mayor ng lungsod.

Pansamantala muna nilang patatakbuhin ang mga gawain ng lungsod.

Kung saan, pangangasiwaan nila ang mga usaping pang-administratibo sa pagpapatakbo ng lungsod sa ilalim ng kanilang mga nasasakupan.

Panatag at kumpiyansa ang alkalde na nasa mabuting kamay ang lungsod ng Quezon habang siya ay pansamantalang nasa ibang bansa.

Nabatid din na isa lamang si Mayor Joy Belmonte sa mga alkalde mula sa National Capital Region na dadalo sa nasabing programa sa labas ng bansa.