QC Vice Mayor Sotto at City Council, naglabas ng ordinansa na nagbabawal sa POGO

QC Vice Mayor Sotto at City Council, naglabas ng ordinansa na nagbabawal sa POGO

INAPRUBAHAN ng Quezon City Council sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Quezon City.

Ito ay pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Majority Floor Leader Doray Delarmente.

Ang proposed ordinance ay tuluyang magpapataw ng ban sa mga POGO na karaniwang pinagmumulan ng mga ilegal na gawain, at nagdudulot ng panganib sa lipunan.

Inihain na ni Coun. Marra Suntay ang proposed ordinance bago pa man ideklara ni PBBM ang pagbabawal nito.

Tinalakay naman ni Coun. Irene Belmonte ang proposed ordinance para sa Quezon Memorial Institutional Heritage District na magtatakda ng 1-kilometer buffer area mula sa outer boundaries ng Quezon Memorial Circle.

Magpro-protekta rin ito sa historical character ng lungsod.

Ang mga gusali, at mga planong itayong establisyemento ay kinakailangang sumunod sa ordinansa para hindi makasira sa tanawin ng QMC pylon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble

 

=