HUMINGI ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa leaked video na may kaugnayan sa namayapa nang aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa pahayag ni QCPD chief Redrico Maranan, naiintindihan nila ang sakit na naidulot ng paglabas ng tinutukoy na video lalo na’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Sinabi na rin ng QCPD chief na ang limang police officers na sangkot sa pag-leak ng video ay mahaharap sa kasong grave misconduct at serious irregularity in performance of duty.
Mayroon ding mahigit-kumulang apat pang indibidwal ang kanilang hinahabol dahil sila ang unang mga nag-upload ng video sa social media.
Nauna nang ipinanawagan ni Janno Gibbs na dapat gumawa ng public apology ang mga police personnel na sangkot sa insidente.
Ayon kay Lorna Kapunan na siyang abogado ng kampo ng mga Gibbs, dahil sa leaked video ay may mishandling na nangyayari sa hanay ng mga pulis lalo na’t lumabas din ito sa araw na pumanaw si Valdez.