QCPD, nakakumpiska ng mahigit P360-K halaga ng shabu

QCPD, nakakumpiska ng mahigit P360-K halaga ng shabu

NAKAKUMPISKA ang Quezon City Police District Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU) ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P360-K.

Kinilala ang 2 nasangkot sa bentahan ng droga na sina Si Fatima Dela Fuente, 37-anyos at Sonny Bricio, 48-anyos.

Batay sa ulat, nitong Hunyo 29, 2024 sa No. 55 Abad Santos St.  Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DEU sa Santa Lucia, Quezon City matapos iulat ng isang concerned citizen ang pagtitinda ng droga ng mga suspek.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng halagang P1,000 sa mga suspek at sa nakatakdang senyales, sila ay inaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P360-K, isang cellular phone, isang coin purse at ang buy-bust money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A.  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa harap ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble