HINDI pabor ang Department of Justice (DOJ) sa quota system ng Philippine National Police (PNP) bilang basehan ng performance ng mga pulis.
Para sa DOJ, hindi magandang may umiiral na ganitong sistema dahil maaari itong magamit para mang-abuso.
Ito ay kasunod ng balak ng bagong talaga na PNP chief na si Nicholas Torre na ibase ang performance ng mga pulis sa dami ng kanilang mahuhuli.
Samantala, may paglilinaw rin si Clavano sa pahayag na si Atty. Harry Roque at si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag na ang susunod na mahuhuli ngayong naaresto na ang dating congressman na si Arnie Teves.