MASAYANG ibinahagi ng beauty queen na si Rabiya Mateo ang kaniyang kauna-unahang bahay at sasakyan.
Sa kaniyang social media post, ipinakita ni Rabiya ang litrato na nasa harap ng kaniyang bagong tahanan habang nakasandal sa kaniyang pulang sasakyan.
Sa kaniyang caption, masaya ang beauty queen dahil ang mga ito ay bunga ng kaniyang pagsisipag at mga dasal.
Nagpaalala naman ni Rabiya sa lahat na huwag matakot mangarap ng malaki.
Umani naman ito ng positibong komento mula sa netizens na masaya sa achievement sa buhay ng beauty queen.