Ragos, hindi tinatakot o pinilit na magtestimonya laban kay De Lima – Atty. Topacio

Ragos, hindi tinatakot o pinilit na magtestimonya laban kay De Lima – Atty. Topacio

WALANG katotohanan na tinakot o pinilit lang si dating Bureau of Corrections (BUCOR) Officer-In-Charge Rafael Ragos na tumestigo laban kay dating Senador Leila de Lima hinggil sa kaso nito sa iligal na droga.

Ayon kay Criminal Law Practitioner Ferdinand Topacio, kitang-kita ang mga galaw ni Ragos sa mga video na kinuha noong unang tumitestigo ito sa Public Attorney’s Office na hindi siya pinilit.

Ayon kay Topacio, hindi niya maintindihan kung ano ang rason ni Ragos at bumaliktad ito.

Ipinunto rin ni Topacio na mismong ang Korte Suprema ang nagsabi na hindi agad dapat paniwalaan ang pagbaliktad ni Ragos.

Magugunitang kamakailan ay bumaliktad sa kanyang testimonya si Ragos at sinabing si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang pumilit sa kanya para gumawa ng testimonya kontra sa dating senadora.

Bagay na itinanggi naman ito ni Aguirre at sinabing handa nitong harapin ang paratang ni Ragos sa kanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter