Railway system, maraming benepisyong naidudulot – Senator JV Ejercito

Railway system, maraming benepisyong naidudulot – Senator JV Ejercito

MARAMING benepisyo ang naidudulot kapag itinuloy ang railway system.

Ayon kay Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, ang chairman ng Senate Commmittee on Urban Planning, Housing and Resettlement Committee sa panayam ng SMNI News, isa na rito ang pag-decongest ng traffic at ang pakikiisa sa laban kontra climate change.

Ibinahagi ni Ejercito na aabot hanggang 1k ang pasaherong maisasakay ng bawat biyahe sa isang railway system.

Umaasa naman si Ejercito na hindi lang sa major cities ang magkakaroon ng ganitong uri ng transportasyon kundi sa buong bansa.

Lubos ding pinasalamatan ni Senator Ejercito nang sinimulan ito ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI News on Twitter