Random drug test sa mga nasa pribadong sektor at pamahalaan, isinusulong ng DILG

Random drug test sa mga nasa pribadong sektor at pamahalaan, isinusulong ng DILG

HINIHIMOK ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa pribadong sektor na magpatupad ng istriktong drug policy.

Ang suhestiyon na ito ng pamunuan ng DILG ay ginawa kasabay ng pagtitiyak na magpapatupad din sila ng istriktong drug policy sa kanilang mga hanay.

Sa tala ng Philippine National Pulis nasa 400. officials sa buong bansa ang sangkot sa ilegal na droga at ang DILG patuloy na nababahala rito.

Kaya naman upang mabawasan ang gumagamit ng ilegal na droga dito sa bansa muling inirekomenda ni DILG Sec. Banjamin Abalos, Jr. na magkaroon ng random drug testing sa mga attached agencies nito at mga LGU’s.

“Kasi ganito meron naman talaga sa gobyerno there should be random drug testing and kami naman sa hanay ng DILG we really going to implement it kasi napaka-importante nito eh puro tayo sa supply reduction makakatulong sa demand reduction din,” saad ni Sec. Benjamin Abalos, Jr. DILG.

Ginawa ng kalihim ang nasabing pahayag kasunod ng Grand Opening ng B.I.D.A Sports and Cultural Fest para sa mga empleyado ng lahat ng attached agencies ng DILG at PNP.

Saklaw ng DILG ang hanay ng kapulisan, kabomberohan, BJMP, at iba pang mga uniformed personnel; mga lokal na pamahalaan mula provincial hanggang barangay level at marami pa.

“Makakatulong nang husto ito dahil kung alam mong ite-test ka talagang iiwas ka dito,” dagdag ni Abalos.

Matatandaan nito lang kamakailan ay pinangunahan ng kalihim ang pakikipagsundo sa pagitan ng mga malalaking kompanya sa bansa na nag oobliga sa mga kompanya na magkaroon ng drug policy.

At para isailalim ang lahat ng mga empleyado nito sa random drug test upang matiyak na walang bahid ng ilegal na droga ang mga lugar na pinagtratrabahuan ng mga ito.

“Nakita naman natin yung mga private na kami na ang humingi ng tulong baka pupwede mga private companies magkaroon din sila ng sariling drug policy. It’s up to them kung suspension dismissal from service pero what is important may drug policy sila,” ayon pa kay Abalos.

“Ang random drug testing ay hindi na bago sa ilang tanggapan ng pamahalaan, katunayan nito ay may iilang mga local government units (LGU’s) na at ahensiya ng pamahalaan ang nagsasagawa ng ganitong hakbang upang masigurong walang katrabaho nila ang gumagamit ng ilegal na droga,” ani Abalos.

Tanging layunin lang ng DILG na mas paigtingin ang pagpatutupad ng drug policy sa mga workplaces.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter