Raoul Manuel, dapat ipakulong dahil sa pang-aakusa sa Pangulo sa pagpatay sa isang brodkaster –Pastor Apollo

Raoul Manuel, dapat ipakulong dahil sa pang-aakusa sa Pangulo sa pagpatay sa isang brodkaster –Pastor Apollo

PINATUTSADAHAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang ginagawang propaganda ng mga makakaliwang grupo na pangsisisi sa pamahalaan sa pagkasawi ng brodkaster na si Percy Lapid kamakailan.

Sa isang video ng protesta, makikita na isinisigaw ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na wala umanong pinagkaiba si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ama na pumapatay ng mamamahayag.

Kaugnay rito, ani Pastor Apollo dapat makulong si Raoul Manuel dahil sa pag-aakusa nito kay Pangulong Marcos sa pagkamatay ng nasabing brodkaster.

Ani Pastor Apollo, estratehiya lang ng makakaliwang grupo ang ginagawang pagpapahid ng kasalanan sa gobyerno upang masira ang imahe ng Pangulo.

Dagdag pa ng butihing Pastor, ginawang sacrificial lamb ang pagkamatay ng brodkaster dahil aniya, makikita na parehas lang ang narrative na ginagawa ng makakaliwang grupo, ito ay upang sirain si Pangulong Marcos.

Samantala, sigurado naman ang butihing Pastor na hindi na malilinlang ang taumbayan sa propaganda ng mga ito dahil mayroong SMNI na magsisiwalat ng katotohanan.

Follow SMNI NEWS in Twitter