Rason ng pagbebenta ng ginto ng Pilipinas hindi malinaw—ekonomista

Rason ng pagbebenta ng ginto ng Pilipinas hindi malinaw—ekonomista

HINDI malinaw ang rason ng pagbebenta ng ginto ng Pilipinas ayos sa ekonomista.

Mas maraming ginto ang naibenta sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kumpara kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay ekonomistang Dr. Michael Batu, hindi kapani-paniwala ang dahilan kung bakit nagbebenta ng ginto ang kasalukuyang administrasyon.

Sa ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO), mataas umano ang buying price tuwing nagbebenta ng ginto ang bansa. Subalit, nang magbenta ng ginto ang Marcos Jr. admin noong Oktubre 2023, hindi pa ito gaanong mataas.

Dahil dito, para kay Batu, hindi niya masisisi ang publiko maging si FPRRD sa pangamba kung saan napupunta ang kita mula sa ibinentang ginto, lalo na’t may kasaysayan ang pamilya Marcos sa isyung ito.

Noong Pebrero, ibinunyag ni FPRRD na si Marcos Jr. ang nag-utos na ibenta ang mga gold sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Gayunman, sinabi ng PCO na dapat maglabas ng ebidensiya ang dating pangulo hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble