MAKIKITA na sa Pilipinas kada Biyernes sa pamamagitan ng prime video simula sa Pebrero 23, 2024 ang Korean reality variety program na “Apartment404”.
Sa lahat ng fans, tampok sa reality show ang entertainer at host na si Yoo Jae-suk at ang main rapper ng Blackpink na si Jennie.
Ang “Apartment404” ay may walong episodes at maliban kina Jae-suk at Jennie, kasama rin dito sina Cha Tae-hyun, Oh Na-ra, Yang Se-chan, at Lee Jung-ha.
Inaasahang maganda ang naturang reality program dahil ang producing director nito na si Jeong Cheol-min ay naging producer na rin ng “Sixth Sense” at “Running Man”.